Home NATIONWIDE P100 legislated wage hike pinapaprayoridad sa Kamara

P100 legislated wage hike pinapaprayoridad sa Kamara

MANILA, Philippines – Kasunod ng pagpasa ng P100 legislated wage hike sa Senado, hinimok ni Gabriela Partylist Rep Arlene Brosas ang House of Representatives na iprayoridad ang pagtalakay sa nasabing panukala.

“The House of Representatives must do its part and immediately hear the wage hike bills filed by the Makabayan bloc and other lawmakers,” pahayag ni Brosas.

Una nang naipasa sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang Senate Bill 2534.

Sa Kamara ay nakabinbin ang House Bill 4898 ma nagsusulong ng national minimum wage gayundin ang House Bill 7568 nq nagsusulohf ng P750 across-the-board wage increase parasa private sector workers.

Kumpiyasa si Brosas na ang pagpasa ng Senado sa P100 daily minimum wage hike ay malaking hakbang sa pagkilala na kulang na talaga ang pasahod sa mga mangaggawa at umaasa ang lady solon na agad na itong maisasabatas.

“Hindi sapat ang kakarampot na kasalukuyang pinapasahod sa mga manggagawa sa kabila ng tumitinding krisis sa ating bansa. ‘Yung mga malalaking negosyante, sobra-sobra ang kinakamal na tubo habang yung mga manggagawa na kumakayod araw-araw ay isang kahig, isang tuka,” pagtatapos pa ni Brosas. Gail Mendoza

Previous articlePacquiao ‘di lusot sa 2024 Paris Olympics
Next articleKamara sinubpoena si Quiboloy