Home HOME BANNER STORY P107-M lotto jackpot nasolo!

P107-M lotto jackpot nasolo!

MANILA, Philippines – Nasolo ng isang mananaya ang P107 milyong jackpot sa Mega Lotto 6/45 nitong Lunes ng gabi, Nob. 6, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Maswerteng nahulaan ng betoor ang Mega Lotto winning number na 13-31-16-01-25-10 na may P107,506,074.20 jackpot.

Sa parehong draw, 110 manlalaro ang nanalo ng tig-P32,000 para sa ikalawang gantimpala, habang 4,225 na manlalaro ay nakakuha ng tig-P1,000 para sa ikatlong gantimpala.

Samantala, walang bettor ang nnanalo sa Grand Lotto 6/55, na mayroong winning digit combination na 33-25-10-14-18-51 at jackpot prize na P102,584,251.80.

Gayunpaman, walong mananaya naman angg nanalo ng tig-P100,000 para sa ikalawang puwesto, at 907 na manlalaro ang nanalo ng tig-P1,500 para sa ikatlong gantimpala. RNT

Previous articleNAGDESISYON ANG BRGY. TENEJEROS PABOR KAY AMBET
Next articleRadio broadcaster ‘livestream shooting’ kinondena ni PBBM