Home METRO P10M ketamine nakumpiska sa Malaysian-Chinese national

P10M ketamine nakumpiska sa Malaysian-Chinese national

135
0

MANILA, Philippines- Arestado ang isang Malaysian-Chinese national makaraan maharang ng mga awtoridad ang nasa P10 milyong halaga ng ketamine, kagabi sa Pasig City.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Thai Lian Shiong, 24 , at residente sa The Currency Residence, Julia Vargas, Ortigas, Pasig City.

Sa isinagawang operasyon ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang ketamine ay galing Malaysia at dumating ito sa Port of Clark noong Enero 28, 2023.

Nadiskubre ng mga awtoridad na dadalhin kay Shiong sa bahay nito kagabi (Enero 31) ang mga kontrabando sabay ikinasa ang operasyon.

Nakuha sa suspek ang 2 kilong ketamine na nakatago sa loob ng tatlong acupoint massage twisters na nagkakahalaga ng P10,000,000.

Ayon sa PDEA, ang ketamine ay isang Hallucinogenic drugs na ginagamit na anesthesia.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa section 4 (importation of dangerous drugs) of Republic Act 9165 ang suspek. Mary Anne Sapico

Previous articleComelec nakapagtala ng mataas na voter registration turnout
Next articlePope Francis, tumulak sa Africa