Home METRO P11M marijuana winasak sa Benguet, Kalinga

P11M marijuana winasak sa Benguet, Kalinga

MANILA, Philippines- Sinabi ng Benguet Provincial Police Office na binunot at sinunog nito ang tanim na marijuana na nagkakahalaga ng P3.6 milyon sa Kibungan at Bakun.

Sa Kibungan, 900 fully grown marijuana plants at 20,000 gramo ng pinatuyong marijuana na may kabuuang standard drug price na P2.5 milyon ng nadiskubre.

Samantala, 5,500 FGMJP na may SDP na P1.1 milyon ang natuklasan sa Bakun.

Binunot ng Kalinga PPO ang 28,000 FGMJP na may SDP na P5.4 milyon sa Barangay Butbut Proper at 10,500 marijuana plants na nagkakahalaga n P2.1 milyon sa Barangay Ngibat, kpwa sa baya ng Tinglayan. RNT/SA