Home METRO P11M pananim na marijuana, sinunog sa Kalinga

P11M pananim na marijuana, sinunog sa Kalinga

409
0

TINGLAYAN, KALINGA – Umabot sa P11 million ang halaga ng mga pananim na marijuana ang sinunog sa isinagawang eradication o Oplan Mayo ng mga otoridad sa Buscalan, Tinglayan, Kalinga.

Ayon kay PCapt. Ruff Manganip, tagapagsalita ng Kalinga Police Provincial Office o KPPO na nagsagawa ng Oplan Mayo ang mga operating unit ng Provincial Intelligence Unit at Provincial Drug Enforcement Unit katuwang ang Tinglayan Municipal Police Station, 1st at 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Company kasama ang NBI Bayombong, Nueva Vizcaya ay nagsagawa ng marijuana eradication na nagresulta sa pagbunot at pagsira ng mga pananim na marijuana.

Sa unang site ay aabot sa 5,000 piraso ng pananim na marijuana na nakatanim sa 500 square meter land area na may halagang P1 million ang kanilang sinunog.

Sa ikalawang site ay aabot sa 50,000 piraso ng pananim na marijuana na nakatanim sa 2,000 square meter land area na nagkakahalaga ng P10 million ang kanilang sinira.

Ang lahat ng mga pananim na marijuana ay binunot at sinunog sa lugar kung saan ito itinanim.

Batay sa kanilang pagsisiyasat ay natuklasan nilang sadyang itinanim ang marijuana.

Mayroon din aniyang mga malalayong taniman ng mga marijuana na kailangang lakarin ng anim hanggang walong oras bago marating ang lugar.

Samantala, labis na ipinagtataka ng mga mamamayan na hindi maubos-ubos ang marijuana sa naturang bayan at halos araw-araw ay may nahuhuli at nadidiskubreng marijuana plantation. Rey Velasco

Previous articleTulfo kay PBBM: Ownership ng China sa NGCP, malaking banta sa bansa
Next articleBagman ni Kerwin Espinosa, patay sa Ormoc buy-bust

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here