Home NATIONWIDE P123M livelihood assistance inilaan ng DOLE para sa displaced PUV drivers, operators

P123M livelihood assistance inilaan ng DOLE para sa displaced PUV drivers, operators

MANILA, Philippines- Gumastos ang pamahalaan ng P123 milyon sa livelihood assistance para sa jeepney at UV operators at drivers na nawalan ng trabaho dahil sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP), ayon kay Department of Labor and Employment Undersecretary Benjo Benavidez.

Halos 4,500 PUV operators at drivers ang nakatanggap ng tulong sa ilalim ng “EnTsuperneur” program, at 1,500 pa ang makatatanggap ng livelihood assistance. Inihayag ni Benavidez na pinili ng ilang benepisyaryo na magtayo ng sari-sari store, eatery, electronics repair shop, at bakery.

“Pagkatapos ng awarding, ito ay tuloy-tuloy namin imo-monitor at patuloy naming tuturuan ang mga benepisyaryo under the program,” anang opisyal sa isang panayam.

“At ang programa ay bukas pa rin… Kami ay naglagak ng budget para talagang matulungan ang maaapektuhang drivers at operators nitong (PUV modernization) programa,” dagdagni Benavidez.

Pinalawig ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. hanggang April 30 ang deadline para sa konsolidasyon ng public utility vehicles sa ilalim ng PUV modernization program, kasunod ng kilos-protesta ng transport groups. RNT/SA

Previous articleDA target makapagprodyus ng 20 million MT palay sa kabila ng El Niño
Next articleMagna Carta for Public School Teachers, rerebisahin ng solon