MANILA, Philippines – Sinita ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro ang ginawang paggasta ng Office of the Vice President ng P125 million confidential fund sa huling 19 araw ng 2022.
Ayon kay Castro ang P125M na ginasta ng OVP ay mas malaki pa sa mga ahensya gaya ng National Security Council (NSC) at Bureau of Customs (BOC) na talagang ahensya na may isinasagawang surveillance kumpara sa OVP na wala.
“For example, the 2024 proposed budget for confidential funds of the NSC is P120 million and that of the BOC is P100 million. Even in 2022 the whole year budget of the NSC was P182 million while the BoC was P69.5 million and the National Bureau of Investigation (NBI) was P185.4 million. While these agencies used their confidential funds for the whole year, the OVP used up P125 million in just 19 days!Does it have its own surveillance agency that gobbles up money that fast?” ani Castro.
Sinabi ni Castro na ang paggamit ng confidential funds ay ilan lamang sa mga tatanungin nila sa pagsalang ng budget ng OVP sa hearing sa Kamara.
Giit ni Castro na dapat i-aaccount ng OVP kung saan napunta ang nasabing pondo.
” Vice President Duterte should answer all these questions at the budget hearing. The OVP had no Congressional authorization to incur confidential expenses in 2022. A full accounting should be made down to the last centavo,” pagtatapos pa ni Castro. Gail Mendoza