Home NATIONWIDE P12B pondo sa plebesito ‘di pa nagagalaw – Comelec

P12B pondo sa plebesito ‘di pa nagagalaw – Comelec

MANILA, Philippines – Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na nanatiling hindi nagalaw ang P12 biyong pondo na inilaan para sa plebisito at referendums na isiningit sa bicameral conference committee meeting sa noo’y 2024 General Approriations Bill (GAB).

Ito ang inihayag ni Comelec Chairman George Garcia sa Senate hearing sa gitna ng pagsusulong na magsagawa ng plebisito upang pagtibayin ang panukalang pag-amyenda sa Konstitsyon at ang 2025 midterm elections ng sabay.

Ayoan kay Garcia, ang komisyon ay nakatakdang magsimulang mag-imprenta ng balota sa ikalawang lingo ng Enero 2025.

Sinabi ni Garcia na palano nilang imagagay ng hindi bababa sa tatlong plebisito, na masasagot ng “oo” o “hindi” sa harap na bahagi ng balota bago ang mga pangalan ng mga kandidato sa pagkasenador.

Ito ang ibinunyag ni Garcia sa pagdinig ng Senate Committee on Electora reforms and People’s Participation habang muling kinuwestiyon ni Senator Imee Marcos ang biglaang pagsasama ng P12 bilyon sq apinal na bersyon ng 2024 national budget.

“Wala pa po kaming nagagamit sa P12 billion”, sabi ni Garcia.

Ginawa ni Garcia ang pahayag habang nagbabala si Marcos na ang Comelec ay maaring makagawa ng malversation of funds kung ang P12 bilyon ay gagamitin para sa paghahanda sa halalan kapag ang pondo ay inilaan para sa pagsasagawa at pangangasiwa ng mga halalan,referenda,recall votes at mga plebisito.

Sinabi ni Garcia na gagamitin ang P1 bilyon sa pondo para sa dagdagan ang P400 milyong budget para sa pagbili ng transmission services, overtime pay para sa mga empleyado ng Comelec na magtatrabaho habang at pagkatapos ng halalan at ang information campaign para sa paggamit ng mga bagong makina para sa 2025 elections.

Ayon pa kay Garcia, nasa p6 hanggang P8 bilyon ng P12 bilyon ang gagamitin para s alayuning ito.

Idedeklara naman bilang savings ang sobra mula sa nasabing halaga.

Anang poll chief, magagamit ang savings sa pagtatayo ng local offices. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleBaron, tumaas ang BP kay Cristine!
Next articlePagpapalakas ng PH-US alliance tinalakay nina PBBM, Blinken