Home METRO P12M marijuana nasabat sa buy-bust

P12M marijuana nasabat sa buy-bust

ILAGAN, Isabela- Nasamsam ng mga pulis ang P12 milyong halaga ng dried marijuana bricks mula sa apat na umano’y drug dealers matapos ang buy-bust operation nitong Martes sa bayan ng Quezon, Isabela.

Sinabi ni Police Brigadier General Christopher Birung, Cagayan Valley regional police director, nahuli ang apat na kalalakihan mula sa Tabuk City sa Kalinga na nagbebenta ng kontrabando sa isang undercover agent.

Hindi naman isiniwalat ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek, kabilang ang lider ng mga ito.

Nakuha mula sa kanila ang marijuana na nakapaloob sa anim na kahon, kung saan mayroon 66 nakabalot na marijuana bricks.

Narekober din mula sa kanila ang 9-mm gun, isang magazine, at boodle money.

Dinala na ang mga suspek sa Philippine Drug Enforcement Group Special Operations Unit 2, habang naturn-over na ang mga ebidensya sa crime laboratory ng Philippine National Police sa Roxas, Isabela. RNT/SA

Previous articleTulungan ang motorcycle riders – Tolentino
Next articleDonasyong COVID monovalent XBB jabs inihirit ng DOH sa COVAX