Home NATIONWIDE P13.360B budget ng COA para sa 2024 lusot na sa Senate panel

P13.360B budget ng COA para sa 2024 lusot na sa Senate panel

MANILA, Philippines- Agad na tinapos ng Senate committee on finance ang deliberasyon nito sa panukalang 2024 budget ngCommission on Audit (COA) na nagkakahalaga ng P13.360 bilyon.

Sa hearing nitong Miyerkules na pinangunahan ni panel chair Senator Sonny Angara, walang naging tanong ukol sa spending plan ng COA para sa susunod na taon.

Inihayag ni Angara na aprubado na ang 2024 budget proposal ng COA sa committee level at inendorso na sa Senate plenary.

“We favorably endorse your budget to the plenary without prejudice to any possible augmentation,” aniya sa hearing.

Sa panayam, sinabi ni Angara na isa sa mga rason sa likod ng mabilis na pag-apruba ay kakulangan ng mga dumalong mambabatas na bubusisi sa 2024 budget ng COA.

“Least so, walang controversial [ay] walang magtatanong. Wala akong kasamang [magtatanong],” aniya, at sinabing maaaring ilatag ng mga senador ang kanilang katanungan sa pondo ng COA sa plenary deliberations.

Kasama sa P13.360 billion proposed budget ng COA para sa sunod na taon ang confidential fund na nagkakahalaga ng P10 million. Nang tanungin kung balak aprubahan ng Senado ang probisyong ito, sinabi ni Angara na tatalakayin pa ang usapin.

“I don’t know. We will discuss the issue [dahil] naging mainit ‘yan. Most likely may caucus kami dyan at pag-uusapan namin kung anong gagawin,” paliwanag niya. RNT/SA

Previous articleOverhaul sa OTS, itinutulak ni Poe: Pagbibitiw ni Aplasca, ‘di maglilinis sa katiwalian
Next articleP4/litro na fuel discount inihirit