Home NATIONWIDE P13B matitipid ng gobyerno sa saay na Cha-cha plebiscite at 2025 midterm...

P13B matitipid ng gobyerno sa saay na Cha-cha plebiscite at 2025 midterm poll

MANILA, Philippines – Makatitipid ang gobyerno ng nasa P13 bilyon para sa posibleng sabay na pagdaraos ng plebisito para sa mga pagbabago sa Charter at ang midterm polls sa 2025, ayon sa Commission on Elections (Comelec) nitong Martes, Pebrero 27.

“If it will be held separately, we will need PHP13 billion because it will involve national and overseas voters. It is like holding another Barangay and Sangguniang Kabataan elections. But if we hold it simultaneously, there will be no additional expenses. No additional expenditures in supplies and other paraphernalia,” ani Comelec chairperson George Erwin Garcia sa isang interbyu.

Gayunpaman, kakailanganin aniya nila ng karagdagang pondo para sa pagtaas ng honoraria ng mga guro sa Electoral Board (EB).

“Maaari tayong humingi sa gobyerno ng kahit dagdag na P2,000 para sa bawat guro na magsisilbi sa Araw ng Halalan. Kung mayroon tayong 1 milyong guro, maaaring mangailangan ito ng PP2 bilyon na pondo,” ani Garcia.

Noong Lunes, sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na nais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pagtibayin ng plebisito ang mga mungkahing pag-amyenda sa 1987 Constitution na gaganapin kasabay ng May 2025 midterm polls.

Sinabi ni Garcia na maaari nilang isagawa ang parehong electoral exercises nang sabay-sabay sa susunod na taon. RNT

Previous article‘Di lang pang motor riders, patas na alintuntunin sa checkpoint bubuuin ng Napolcom
Next articleAbogada hinigop ng bukal, patay