Home TOP STORIES P14.5B investment pledges nauwi ng Pinas sa Japan trip

P14.5B investment pledges nauwi ng Pinas sa Japan trip

MANILA, Philippines – Aabot sa P14.5 billion na halaga ng investments at pledges ang pakikinabangan ng bansa matapos ang pagdalo ng pamahalaan sa ika-50 na ASEAN-Japan Commemorative Summit.

Inaasahan naman itong lilikha ng 15,750 na trabaho.

Nitong Lunes, nakauwi na sa Pilipinas si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ang kanyang delegasyon.

Ayon kay Presidential Adviser on Investment and Economic Affairs Frederick Go, mahigit sa 20 kumpanya ang nagbigay ng updates sa Pangulo ng kanilang mga pledges simula sa kanyang Japan trip nito noong Pebrero.

Ani Go, natatamasa na ngayon ng bansa ang mga bunga ng pagbisita ni Pangulong Marcos sa Japan ngayong buwan at sa Pebrero ng taong kasalukuyan.

Sa arrival speech, inihayag din ni Marcos ang mga hakbang ng Pilipinas para sa malinis na enerhiya.

Inanyayahan din ng pangulo ang mga miyembro ng Asia Zero Emission Community na mamuhunan sa renewable energy ng bansa.

Sa pagbisita ni Pangulong Marcos sa Japan ay nagkaroon ng aktuwal na pamumuhunan na humigit-kumulang P169 billion. RNT

Previous articleKontribusyon ng mga OFW kinilala sa Int’l Migrants Day
Next articlePatay sa M-6.1 na lindol sa China, 111 na