Home HOME BANNER STORY P14 rollback sa gasolina, namumuro

P14 rollback sa gasolina, namumuro

5
0

MANILA, Philippines – Posibleng magkaroon ng malaking bawas-presyo sa mga produktong petrolyo sa ikalawang linggo ng Nobyembre, kabilang ang tinatayang P14 kada litro sa gasolina, ayon sa Department of Energy (DOE).

Batay sa apat na araw na monitoring sa Mean of Platts Singapore, sinabi ni DOE Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rino Abad na posibleng umabot sa:

Gasolina – P14 kada litro rollback

Diesel – P5 kada litro rollback

Kerosene – P5 kada litro rollback

“Ang gasolina ho ang napakalaki [ng rollback]. Pero ang diesel, well, relatively malaki na rin kasi nasa P5 na, including kerosene,” ani Abad.

Ayon sa opisyal, malaking dahilan sa pagbaba ng international oil prices ang market expectation na maaaring magkaroon ng pagbabago sa sitwasyon ng US-Iran conflict kasunod ng resulta ng midterm elections sa Estados Unidos.

Natalo ang Republican Party ni US President Donald Trump sa kontrol ng dalawang kapulungan ng Kongreso, habang nakakuha ng kapangyarihan ang Democrats na harangin ang ilang legislative measures at magkaroon ng mas malaking impluwensya sa government spending.

Nauna nang nagdulot ng pagsirit sa presyo ng langis ang tensyon sa Middle East at problema sa shipping sa Strait of Hormuz, isang mahalagang ruta para sa global energy exports.

Gayunman, sinabi ni Abad na hindi pa tiyak kung magtatagal ang pagbaba ng presyo.

“Kailangan masundan ‘yan ng actual recovery in the physical oil supply,” aniya.

Babala niya, kung hindi magiging maayos ang aktuwal na supply ng langis, maaaring pansamantala lamang ang pagbaba at muling maging volatile ang presyo.

Ang mga nabanggit na halaga ay paunang projection lamang at maaari pang magbago bago ilabas ang final fuel price adjustments para sa susunod na linggo. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here