P14-M, cellphone ayuda ng Globe telecom sa health workers

P14-M, cellphone ayuda ng Globe telecom sa health workers

March 25, 2020 @ 1:44 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Namigay ng P14 milyon para sa pambili ng personal protective equipment ang Globe telecom para sa mga frontliners na nakikipaglaban kontra coronavirus pandemic.

 

Nagbigay din sila ng 50 mobile phones na may unlimited call at text sa lahat ng networks na valid sa 30 araw para sa “communication needs of healthcare workers and frontliners at PGH,” anang Globe sa isang pahayag.

 

P9 milyon mula sa kabuuang donasyon ay nagmula sa nakolektang reward points ng loyal customers, ayon pa sa Globe.

 

Ibinigay ang cash donations sa PGH Medical Foundation Inc, na gagamiting pambili ng surgical masks, face shields, at surgical gowns.

 

“We are overwhelmed with gratitude to all customers who stand together with us in our ongoing fight against the pandemic. We also hope that this can show our kababayans that in times like these, doing simple acts of kindness even within the safety of our homes can truly make a difference,” ani Globe president and CEO Ernest Cu.

 

Magbibigay din ng free WiFi sa mga hospital ang Globe Telecom at PLDT. RNT

Share

Leave a Reply

Loading...