
MANILA, Philippines – Walang nakatumbok sa jackpot na halagang P141,414,346 para sa Ultra Lotto 6/58 sa gabi ng draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Biyernes, Mayo 19.
Ang mga winning numbers ay 46 – 28 – 03 – 43 – 02 – 50.
Sa kabilang banda, anim na bettor ang nanalo ng ikalawang premyo na nagkakahalaga ng P120,000 at 524 na manlalaro ang nakakuha ng ikatlong premyo na nagkakahalaga ng P2,000.
Ang Ultra Lotto ay ibinobola tuwing Martes, Biyernes, at Linggo ng 9 p.m.
Samantala, ang swerteng kombinasyon para sa Mega Lotto 6/45 ay 29 – 10 – 06 – 04 – 36 – 42 para sa jackpot na nagkakahalaga ng P12,861,234.
27 na bettor ang nanalo ng ikalawang premyo na nagkakahalaga ng P32,000 at 1,262 na manlalaro ang nanalo ng ikatlong premyo na nagkakahalaga ng P1,000.
Ang Mega Lotto ay ibinobola tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes ng 9 p.m. RNT