Home NATIONWIDE P147M jackpot sa Super Lotto 6/49, nasolo!

P147M jackpot sa Super Lotto 6/49, nasolo!

MANILA, Philippines- Nasolo ng mananaya ang mahigit P147 milyong jackpot prize nang tumugma ang lumabas na mga numero sa Super Lotto 6/49 draw nitong Linggo, Oktubre 15, 2023 sa tinayaan nito.

Base sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakasaad na isa ang nanalo sa Super Lotto 6/49 matapos mahulaan ang tamang kombinasyon na 47-35-02-13-38-17.

Tumataginting na P147,354,716.40 ang kabuuang premyo.

Ayon naman sa Facebook page ng PCSO, mayroong 40 mananaya ang nakasungkit ng 2nd prize na may premyong P50,000.

Samantala, wala namang mapalad na nagwagi sa kasabay nitong draw na Ultra Lotto 6/58, sa kombinasyong 56-53-40-06-35-42 at may premyong P49,500,000.00.

Gayunma, dalawa ang nanalo ng 2nd prize na may premyong P120,000. RNT/SA

Previous articleDating EB babes, nabiktima rin ng scam, ayaw idiin si Yexel!
Next articleGrave threat complaint vs Digong inihahanda ng Makabayan Bloc