MANILA, Philippines- Halos 10 inabandonang parcel sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City ang nadiskubre ng Bureau of Customs (BOC) na naglalaman ng mahigit P14 milyong halaga ng ilegal na droga, ayon sa ulat nitong Lunes.
Nagmula ang unang limang parcel na naglalaman ng liquid marijuana sa Taiwan, Ireland, at Malaysia na nagkakahalaga ng mahigit P300,000.
Ang lima pang parcel ay mula sa France at sa Netherlands na mayroong 8,000 piraso ng ecstasy tablets na nagkakahalaga ng mahigit P14 milyon.
Ipadadala sana ang mga aprcel sa iba’t ibang address sa bansa.
Dinala na ang droga sa kaukulang ahensya para sa wastong disposal. RNT/SA