MANILA, Philippines – Tinanggihan ng Commission on Elections (Comelec) ang P15.3 million demand payment na ginawa ng Impact Hub Manila, ang official partner nito para sa naudlot na Eleksyon 2022 presidential at vice-presidential debates, dahil sa kakulangan ng documentary requirements na kailangan para maitatag ang validity ng claim.
“Upon evaluation, Impact Hub’s demand for payment is not accompanied by the documentary requirements necessary to establish the validity of claim,” sabi ng Comelec sa isang liham na may petsang Mayo 19, 2023 at nilagdaan ni Executive Director Teofisto Elnas Jr.
“In this regard, the Commission is constrained to DENY Impact Hub’s claim for P15,300,000,” dagdag pa.
Ang liham ay ipinadala kay Impact Hub legal counsel Ma. Karla Denise Frias.
Sa isang liham na may petsang Abril 27, 2023, sinabi ng Impact Hub na nananatili pa rin ang memorandum of agreement na ipinasok nito sa Comelec kahit na nagdesisyon ang poll body na iurong at kalaunan ay kanselahin ang mga debate.
Nagbabala ang Impact Hub Manila na gagamit ito ng legal na remedyo sa ilalim ng batas para mabawi ang utang at para maprotektahan ang interes ng kumpanya sakaling mabigo ang Comelec na tumugon o gumawa ng arrangement sa pagbabayad sa loob ng susunod na limang araw pagkatapos matanggap ang notice.
Advertisement