Home METRO P15.9M ayuda ipinamahagi ng DSWD sa Lapu-Lapu City fire victims

P15.9M ayuda ipinamahagi ng DSWD sa Lapu-Lapu City fire victims

MANILA, Philippines — Nagpamahagi ng relief packs ang DSWD nitong Biyernes sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Lapu-Lapu City, Cebu noong Disyembre 12.

Ayon sa DSWD, nakapagbigay ito ng mahigit P15.9 milyong halaga ng cash, pagkain, at non-food items sa 2,202 pamilya na nananatili sa dalawang evacuation center.

“We are still in close coordination with the LGU of Lapu-Lapu City and assured them that the agency is prepared to deliver more augmentation support to the affected families upon assessment and request,” ani DSWD Field Office 7 Regional Director Shalaine Marie Lucero.

“Among the assistance provided were family food packs, cash aid, and non-food items such as sleeping kits,” dagdag pa niya.

Idinagdag ng DSWD na nagbigay ito ng P10,530 bawat pamilya na totally damaged ang mga bahay, habang P5,265 naman ang partially damaged houses.

Ayon sa mga awtoridad, 581 na bahay ang napinsala sa sunog, kung saan 577 ang totally damaged at apat ang partially damaged. RNT

Previous articleBebot pinagbabaril sa utang
Next articleKumpirmado: Kim at Xian, hiwalay na!