MANILA, Philippines – SINABI ni Finance Secretary Benjamin E. Diokno na ang projected government debt na P15 trillion ngayong taon ay nangangahulugan na ang bawat Filipino ay may utang na P137,000 kung idi-divide ng patas, gagamitin bilang political weapon.
Ani Diokno, ang paggamit ng net debt kada tao o utang ng bawat Filipino, magiging kinatawan ng national debt ay “primarily a political statement rather than a direct measure of the economy.”
Habang kumakatawan ang utang bilang individual obligations aids upang maintindihan ang antas nito, binigyang diin ni Diokno na ang approach ay hindi “accurate representation.”
“The government ends up with more debt because it spends more money than it earns each year. This creates a situation called a “budget deficit” where the government’s revenue is not enough to cover all the expenses for programs and projects,” ayon sa ulat.
Upang matugunan ang budget deficit, tumugon ang gobyerno sa borrowing funds, nauwi sa patuloy na pagtaas ng utang.
Subalit sinabi ni Diokno na “The right way to look at the government budget is to consider who benefits from it and how it affects you.”
Aniya pa, ang mga individual na classified bilang mahirap ay hindi required na magbayad ng income tax o iba pang buwis bagaman maaari naman silang mag-contribute sa pamamagitan value-added tax kapag bibili.
Gayunman, sinabi ni Diokno na ang low-income Filipino ay nakatanggap ng iba’t ibang benepisyo gaya ng libreng edukasyon, free healthcare, at financial assistance.
“This is referred to as net incidence,” ayon sa Kalihim.
Noong nakaraang linggo, labis na nag-alala ang mga senador ukol sa tumataas na national debt, aabot na sa P15.8 trillion sa 2024.
Nagbabala ang ibang mambabatas na magiging burden o pasanin ito sa bawat Filipino na may high debt load na P141,000.
“It’s a political indicator,” ani Diokno.
Tiniyak naman nito na ang debt, nagkakahalaga ng P14.15 trillion “as of June 2023, ” ay hindi dapat maging dahilan ng pagka-alarma “when considering the debt-to-gross domestic product (GDP) ratio.”
“Debt-to-GDP ratio compares the government’s total debt to the size of the country’s economy or its ability to generate income,” ayon sa ulat.
Sinabi ni Diokno na “the public should look at the debt-to-GDP ratio rather than the absolute amount.” Kris Jose