Home NATIONWIDE P150 taas-sahod isinusulong sa Kamara

P150 taas-sahod isinusulong sa Kamara

MANILA, Philippines – Bilang tugon sa pagpasa ng Senado sa P100 wage hike bill, nanawagan naman ang isang mambabatas sa Kamara na ipasa na ang panukalang naglalayon ng P150 across-the-board wage increase sa buong bansa para sa pribadong sektor.

Sa pahayag, sinabi ni Deputy Speaker Raymond Mendoza na ang pagpasa ng House Bill No. 7871, o iba pang panukala na naglalayon ng salary increase sa Filipino workers, “is no longer a social or economic imperative but a moral and existential imperative for our millions of mostly poor wage earners.”

Si Mendoza ay nagsisilbing representative para sa Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) party list.

“Their honest hard work receives only poverty wages that cannot even sustain the health, productivity and need for a decent life of their families,” anang mambabatas.

Inakdaan ni Mendoza ang HB 7871, o Wage Recovery Act of 2023 na naglalayong magdagdag ng P150 sa sahod, mas mataas ng P50 sa inaprubahan ng Senado na Senate Bill No. 2534 o P100 wage-hike increase.

Ang kaibahan sa HB 7871 ay mag-aalok ito ng wage subsidies sa micro and small enterprises upang makasabay pa rin ito sa mas mataas na labor costs. RNT/JGC

Previous articleWalang tubig sa ilang bahagi ng NCR, Rizal mula February 26 ‘gang March 7
Next articlePilipinas target magkaroon ng 3 key allies sa external defense