Home NATIONWIDE P150M confidential fund ng DepEd, kinuwestiyon ni Escudero

P150M confidential fund ng DepEd, kinuwestiyon ni Escudero

MANILA, Philippines- “Saan natin pinoprotektahan ang ating mag-aaral?”

Ganito ang katanungan ni Senador Chiz Escudero sa muling paghingi ni Vice President Sara Duterte ng P150 milyong confidential fund bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).

Sa pahayag, sinabi ni Escudero na nakatala muli ang naturang item ng DepEd sa 2024 national budget.

Kaya nagresulta ng katanungan ni Escudero laban sa naturang pondo, “What are we protecting our students from?”

“What is this for? I would like to know,” aniya pa.

“And remember, this is DepEd. This is not the Commission on Higher Education,” paliwanag pa niya.

Naunang ipinagtanggol ni Duterte ang rekomendasyon sa pagsasabing, “nakatali ang edukasyon sa national security.”

Pero, ayon kay Escudero, noong unang ipinanukala ang badyet, sinabi ni Duterte na kailangan ang pondo para sa pambansang seguridad dahil sa droga at recruitment na may relasyon sa New People’s Army.

“If you look at the data of the Armed Forces of the Philippines, the number[s] of the CPP-NPA have been dwindling. [So why is there a] need to increase [our budget] in order to protect our students from supposed recruitment?” tanong ni Escudero.

Ibinasura din ni Escudero ang katuwiran ni Duterte na gagamitin ang pondo laban sa pangangalap ng kasapi ng NPA hindi sa elementarya kundi nangyayari sa kolehiyo.

“You’re talking about Grade 1 to Grade 12. Ang alam ko, ang pagpasok ng recruitment, kung meron man, ay nasa higher education institutions o sa college. Hindi naman sa elementary at sa high school,” aniya.

“Kahit ang droga, nasa college rin ‘yan marahil. Hindi sa elementary at sa grade school,” paliwanag pa ni Escudero.

Sinabi ni Escudero na kanyang susuriin ang bahaging ito sa panukalang badyet sa susunod na pagdinig ng Senado.

Bukod sa P150 milyon na hinihingi ng DepEd, humihingi din ang Office of the Vice President ng hiwalay n P500 million bilang confidential funds. Ernie Reyes

Previous articleMga kustomer ng resort inireklamo sa bandalismo!
Next articleDiokno: Malaking problema nakaamba ‘pag binalewala MUP pension reform