P150M smuggled na spare parts ng mga sasakyan, sinalakay ng BOC sa QC

P150M smuggled na spare parts ng mga sasakyan, sinalakay ng BOC sa QC

June 26, 2020 @ 6:33 PM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Sinalakay ng magkasanib na pwersa ng Bureau of Custom (BOC), National Bureau of Investigation at Philippine Coast Guard ang isang warehouse na naglalaman na mga ismagel na spareparts ng mga sasakyan kaninang tangahali sa lungsod ng Quezon.

Pinangunahan ni Custom Intelligence and Investigation Service CIIS Chief Alvin Enciso ang raid matapos na may makarating sa kanyang impormasyon na ang laman ng warehouse ang mga ismagel na piyesa ng sasakyan.

Nadakip ang may-ari ng warehouse na si Lester Samson Lino na ang pangalan ng business permit nito na LS Lino Property Leasing na matatagpuan sa unit A at B 419 Qurino Highway, Talipapa ng nasabing siyudad.

Napagalaman na bukod na ismagel ang mga spareparts na binibenta ni Lino sa mga parukyano nito mula sa bansang China ay pinapalabas nito na ang mga piyesa ang mula sa bansang Japan kung kaya’t mataas ang benta nito.

“Yung mga spareparts mula sa China ay kanilang nirerepack muli ay inilalagay sa karton na may nakalagay na made in Japan,” saad ni Enciso.

Nakapiit na ang suspek at patung-patong na kaso ang siyang kahaharapin nito. Jan Sinocruz/Danny Querubin

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...