Home METRO P150M Ultra Lotto jackpot mailap pa rin

P150M Ultra Lotto jackpot mailap pa rin

308
0

MANILA, Philippines – Wala pa ring nanalo para sa jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 na nagkakahalaga ng P149,139,576 sa evening draw ng Philippine Charity Sweepstakes Offices (PCSO) noong Linggo, Mayo 21.

Ang winning number combination ay 54 – 46 – 11 – 06 – 15 – 50.

Sinabi ng PCSO na limang bettors ang nanalo sa ikalawang premyo na nagkakahalaga ng P120,000 at 554 bettors ang nakakuha ng ikatlong premyo na nagkakahalaga ng P2,000.

Ang Ultra Lotto ay ibinobola tuwing Martes, Biyernes, at Linggo sa ganap na 9 p.m.

Samantala, ang masuwerteng numero para sa Super Lotto 6/49 ay 04 – 22 – 28 – 25 – 33 – 49 para sa jackpot na nagkakahalaga ng P36,850,837.

Siyam na mananaya ang nanalo sa ikalawang gantimpala na nagkakahalaga ng P50,000 at 856 na manlalaro ang tumama sa ikatlong gantimpala na nagkakahalaga ng P1,200.

Ang Super Lotto ay ibinobola tuwing Martes, Huwebes, at Linggo sa ganap na 9 p.m. RNT

Previous article7 pang Arcturus COVID cases naitala sa Pinas
Next article14 lugar sa Pinas nakaranas ng nakamamatay na init

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here