Home METRO P15M gagamitin para sa Manila Central Post Office rehab – DOT

P15M gagamitin para sa Manila Central Post Office rehab – DOT

MANILA, Philippines- Naglaan ang Department of Tourism (DOT) ng P15 milyon para sa rehabilitasyon at restorasyon ng Manila Central Post Office na nasunog noong Mayo 2022.

Sa pamamagitan ng infrastructure arm nito, ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), ang budget allocation ay para sa detailed architectural at engineering studies para conservation assessment at pre-restoration work ng gusali.

Sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco na “imperative” na suportahan ang preserbasyon, rehabilitasyon, at restorasyon ng cultural at heritage sites– ang tourism assets ng bansa.

“The Manila Post Office has witnessed the life and times of our nation, forging friendships, familial ties, commerce and trade, and etching history through its postal services,” pahayag ni Frasco nitong Biyernes.

Isa ang neoclassical building, na architectural icon, sa pinakamatandang landmarks sa kabisera ng Pilipinas.

Malapit ito sa Pasig River at Liwasang Bonifacio.

Kabilang sa unang yugto ng proyekto ang paglikha ng plano para sa pre-restoration work habang isasagawa naman sa ikalawang parte ang pagbuo ng rehabilitation at conservation plan na ipatutupad. RNT/SA

Previous article‘Fund misuse’ sa pagkalap ng PI signatures pinabulaanan ng DSWD
Next article‘Manila Metro’ FB page na iniuugnay sa DOTr, LRTA peke