Home HOME BANNER STORY P16.5M cocaine nakuha sa pasahero sa NAIA

P16.5M cocaine nakuha sa pasahero sa NAIA

536
0

MANILA, Philippines – Nasabat ng mga operatiba mula sa Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa tatlong kilo ng cocaine na nagkakahalaga ng P16.5 milyon mula sa isang hinihinalang Salvadoran national na dumating mula Doha, Qatar nitong Lunes, Mayo 22.

Ang illegal na droga ay nakuha mula sa bagahe ng suspek sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa press release nitong Martes, sinabi ng BOC na tumugon sila sa impormasyon ng kanilang foreign counterparts kaugnay sa
“presence of a traveler expected to arrive at Naia carrying illegal drugs.”

“The passenger’s luggage underwent rigorous screening, including x-ray scanning, K9 inspection, and a thorough physical examination,” sinabi pa ng BOC.

Unang nanggaling ang suspek sa Brazil.

Ayon sa BOC, dumatig ng Pilipinas mula Qatar sakay ng Qatar Airways flight QR 932 ang suspek.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Drug Act at Customs Modernization and Tariff Act ang inarestong suspek. RNT/JGC

Previous articleTINGNAN: Pinsalang iniwan ng sunog sa Manila Central Post Office
Next articleP15.3M claim ng Impact Hub tinanggihan ng Comelec, kulang sa dokumento

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here