Home METRO P16M ari-arian naabo sa sunog sa Rizal

P16M ari-arian naabo sa sunog sa Rizal

MANILA, Philippines – Aabot sa P16 milyon ang halaga ng ari-arian na naabo sa sunog na sumiklab sa Taytay, Rizal nitong Huwebes, Marso 14.

Iniulat ng Region 4A police nitong Biyernes na nasunog ang “One and Only Marketing” commercial establishment na matatagpuan sa Rizal Avenue sa Barangay San Juan.

Nagsimula ang sunog alas-8:42 ng gabi at idineklarang fire under control 11:02 ng gabi.

Nagsimula ang sunog sa ikatlong palapag ng gusali.

Wala namang nasawi o nasaktan sa insidente. RNT/JGC

Previous articlePadilla humirit na payagan si Quiboloy na dumalo sa Senate investigation online
Next articleImplementasyon ng single-ticketing system aarangkada na sa Pasay