Home NATIONWIDE P17.2M halaga ng marijuana plantation, sinunog

P17.2M halaga ng marijuana plantation, sinunog

TINGLAYAN, Kalinga – Halos umaabot sa P17.2 Milyon halaga ng Marijuana Plantation ang sinira at sinunog ng mga otoridad sa Brgy. Loccong, Tinglayan, Kalinga.

Anim na plantasyon ng Marijuana ang sinira ng Lumin-awa Cops sa kanilang tatlong araw na implementasyon ng Marijuana eradication sa Barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga mula ika-dalawamput apat hanggang dalawamput anim ng Hunyo, 2024.

Katuwang ng Kalinga PPO sa nasabing operasyon ang mga operatiba ng ibat-ibang Drug Enforcement at PNP Units sa lalawigan.

Binunot at sinunog ng mga otoridad ang nasa 86,000 na fully grown marijuana plants sa 5,400 square meters na taniman na nagkakahalaga ng P17,200,000.

Walang naabutang cultivator o may-ari ang mga otoridad nang sila ay dumating sa lugar bagamat nakita rito ang mga kubo na ginagamit ng mga ito.

Hanggang sa ngayon ay inaalam pa ng pulisya kung sino ang may-ari ng mga plantasyon ng marijuana. Rey Velasco