MANILA, Philippines – Nasabat ng mga awtoridad ang nasa P170,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Legazpi City, Albay nitong Sabado, Pebrero 4.
Ayon kay Police Lieutenant Kharren Formales, Albay police spokesperson, kinilala ang suspek na si Noli Nasayao, 43-anyos, na nagbenta ng isang knot-tied sachet ng shabu na tumitimbang ng 25 gramo sa isang undercover agent sa Barangay Bitano ng naturang lungsod, 1:24 ng hapon.
Nahaharap naman sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o
Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek. RNT/JGC