P17B pondo ilalaan para sa paghire ng 50K contract tracers

P17B pondo ilalaan para sa paghire ng 50K contract tracers

July 1, 2020 @ 11:52 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Maglalaan ng P17 bilyon ang pamahalaan para sa pag-hire ng 50,000 contact tracers sa gitna ng coronavirus disease pandemic, ayon kay presidential spokesperson Harry Roque.

Ito ang ipinahayag ni Roque makaraang sabihin ng Department of Health na nangangailangan pa rin ng 76,000 contact tracers ang bansa at kailangan ng pondo upang ma-hire ang mga ito.

“Itong budget po nito, kinakailangan pa ng batas para gastusin. Isasama po ito sa Bayanihan 2,” saad ni Roque sa panayam.

Subalit hindi pa ito naaaprubahan o napag-uusapan sa Kamara at Senado.

Siniguro naman ni Roque sa publiko na asahang mapapasa at maisasabatas ang Bayanihan 2 subalit hindi pa ito makapagbigay ng eksaktong petsa. RNT/MM

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...