Home METRO P17M puslit na sigarilyo nasabat sa South Cotabato

P17M puslit na sigarilyo nasabat sa South Cotabato

MANILA, Philippines- Nasamsam ng mga awtoridad kamakailan ang P17 milyong halaga ng ismagel na sigarilyo sa Sultan Kudarat, South Cotabato.

Inihayag ng Bureau of Customs na isinagawa ang operasyon noong December 3 kasunod nh intelligence reports ukol sa illegal trade ng sigarilyo sa lugar.

Sa nasabing operasyon, naharang ng BOC-Port of Davao at ng Naval Forces Eastern Mindanao ang isang motorbanca kung saan nadiskubre ang kabuuang 454 master cases, o 22,700 reams, ng iba’t ibang sigarilyong aabot sa P17,025,500 ang halaga.

Naiturn-over na ang anim na indibidwal na nangangasiwa sa vessel sa Naval Intelligence Security Group para sa pagsasampa ng kaso kaugnay ng paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.

Kasalukuyang nakatago ang mga sigarilyo at ang motorbanca sa isang warehouse habang hindi pa gumugulong ang legal proceedings para seizure at forfeiture. RNT/SA

Previous articleNAIA handa sa pagdagsa ng mga pasahero – MIAA
Next article600K ektaryang taniman ng bigas, mais sinalanta ni ‘Kabayan’