MANILA, Philippines – Siniguro ng Department of Budget and Management (DBM) na may sapat na pondo para sa isasagawang government efforts sakaling lubhang makaapekto sa bansa ang Super Typhoon Mawar.
Ayon sa DBM, mayroon pang P18.3 bilyon na calamity funds ang pamahalaan kabilang ang P1.5 bilyon mula sa 2022 budget na magagamit sa iba’t ibang disaster relief operations hanggang sa katapusan ng taon.
Sa huling ulat ng PAGASA ay mas lumakas pa kasi ang Super Typhoon Mawar habang papalapit sa Philippine area of responsibility (PAR), at inaasahang papasok sa loob ng 24 hanggang 36 oras.
Advertisement