Home METRO P18.3M droga nasamsam ng PDEA-BARMM mula Enero 1-Peb. 14

P18.3M droga nasamsam ng PDEA-BARMM mula Enero 1-Peb. 14

COTABATO CITY – Nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-BARMM) ang P18.3 milyong halaga ng shabu na droga mula Enero 1 hanggang Pebrero 14, sinabi ng isang opisyal dito noong Biyernes.

Ayon kay Agent Jocelyn Mary, tagapagsalita ng PDEA-BARMM, nasa isang dosenang pusher ng droga ang nadakip sa pinaigting na drug buy-bust sa Cotabato City, Maguindanao del Sur, Maguindanao del Norte, Lanao del Sur, at Sulu.

Ang pitong entrapment operations sa buong rehiyon ay nagresulta sa pagrekober ng mahigit 2.7 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P18,360,000 street value.

Sa lungsod na ito lamang, nasa P7 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa magkakahiwalay na entrapment operation noong panahon.

Ilang baril na hindi lisensyado ang nasamsam sa mga operasyon laban sa droga.

Samantala, iniulat ng PDEA-13 (Caraga Region) ang pagkakaaresto sa dalawang hindi regular na empleyado ng Agusan del Sur provincial government at pagbuwag sa isang drug den Biyernes ng madaling araw sa Barangay Patin-ay, bayan ng Prosperidad.

Sinabi ng PDEA-13 na ang lalaking suspek ay nakatalaga sa Provincial Engineering Office, habang ang babaeng suspek ay nasa Provincial General Services Office.

Arestado rin ang umano’y may-ari ng drug den na nasa edad 41.

Nakuha mula sa mga suspek ang tatlong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng 10 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng PHP80,000 at isang sachet na naglalaman ng .05 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng PHP1,000. Santi Celario

Previous articleKMU nagkilos-protesta sa EDSA vs Cha-cha
Next articleEx-SAF chief guilty sa helicopter deal – SC