Home METRO P180M mais napinsala ng El Niño sa Region 2

P180M mais napinsala ng El Niño sa Region 2

LAMBAK NG CAGAYAN – Labis na nababahala ang mga magsasaka dahil umaabot na sa P180 milyon ang pinsalang dulot ng El Niño Phenomenon dito sa Lambak ng Cagayan o Region 2

Ayon kay Ginoong Paul Vincent Balao, El Niño Action Officer ng Department of Agriculture o D.A Region 2, pinakaapektado ang mga pananim na mais dahil rain fed ang mga ito.

Base sa datos, mayroon nang reported na partially damaged na 8,737 hectares habang ang totally damaged ay nasa 276 hectares.

Ang mga partially damaged ay nasa 50% pataas pa rin ang maaani habang sa totally damaged ay nasa 10% o wala nang maaani dahil natuyot na ang pananim.

Posibleng madagdagan pa ang ektaryang pinsala dahil sa patuloy na nakakaranas ng tag-tuyot ang rehiyon.

Kung saan ay nagsasagawa na ng cloud seeding operation ang nasabing ahensya na pinondohan pa noong nakaraang taon bilang paghahanda sa forecasted El Niño.

Samantala, sa forecast ng PAGASA, ang Northern Portion ng Isabela at Southern Portion ng Cagayan na nasa 240,000 hectares ang direktang maaapektuhan ng tagtuyot.

Ipinagmalaki ng nasabing ahensya na kahit may El Niño o anumang kalamidad ay tiwala pa rin silang nasa 1 million metric tons pa rin ang produksyon ng mais ngayong cropping season dito sa Lambak ng Cagayan. Rey Velasco

Previous articleDigong 100% suportado si PBBM sa economic Cha-cha reforms
Next articlePinagmulan ng comms interference sa WPS dapat talupan – Navy