Home METRO P183M ‘tsaabu’ buking sa nakatiwangwang na sasakyan sa P’que

P183M ‘tsaabu’ buking sa nakatiwangwang na sasakyan sa P’que

105
0

MANILA, Philippines – Nabuking ng awtoridad ang milyones na halaga ng iligal na droga na iniwan sa isang pulang SUV sa Paranaque City.

Larawan kuha ni Danny Querubin

Base sa CCTV, alas-singko ng Miyerkoles nang iwanan at iparada ng isang lalaki ang nasabing SUV. Pagkatapos nito ay nakita siyang tumatakbo papunta sa direksyon ng NAIA road.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Parañaque PNP, inireport ng barangay traffic ang kahina-hinalang sasakyan dahil pinarada ito sa tapat pa mismo ng pedestrian crossing. Nang buksan, tumambad ang 27 kilo ng iligal na droga.

Larawan kuha ni Danny Querubin

Nakabalot pa ito sa Chinese teabags kung saan tinatayang nasa P183 milyon ang halaga.

May nakuhang ID, vaccine card at pera sa loob ng SUV.

Tinutugis na ang drayber na nagparada rito at patuloy ang isinasagawang imbestigasyon.

Previous articlePresyo ng bulaklak sa Dangwa nagsitaasan na
Next articleD’Angelo Russell nakuha ng Lakers – source