Home HOME BANNER STORY P19.3M shabu buking sa inabandonang maleta sa NAIA!

P19.3M shabu buking sa inabandonang maleta sa NAIA!

411
0

MANILA, Philippines- Narekober ng mga awtoridad ang 2.8 kilo ng shabu na nakatago sa isang inabandonang maleta sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 nitong Miyerkules.

Sumailalim ang bagahe, na pagmamay-ari ng isang Ugandan passenger, sa X-ray, K9 sniffing at physical examination, base sa mga awtoridad.

Nagresulta ito sa pagkakadiskubre sa P19,352,800 halaga ng shabu na nakatago sa loob kasama ang iba pang kagamitan.

Sasailalim ang nasabing bagahe sa seizure and forfeiture proceedings. 

Iimbestigahan din ng mga awtoridad ang may-ari ng maleta para sa posibleng drug charges. RNT/SA

Previous articleKaso ng OFW na nahulog sa apartment habang naglilinis ng bintana, tatalakayin ng DMW sa HK officials
Next articleUS envoy bukas sa dayalogo sa mga gobernador ukol sa EDCA sites

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here