Home METRO P195K shabu nasamsam sa tulak na mister

P195K shabu nasamsam sa tulak na mister

84
0

BAGABAG, NUEVA VIZCAYA-Halos umaabot sa mahigit kumulang P195,000 halaga ng pinaniwalaang illegal na droga matapos ang ikinisang drug buy-bust operation sa Brgy. Tuao North, Bagabag, Nueva Vizcaya.

Kinilala ni PCol. Camlon Nasdoman, Provincial Director ng Nueca Vizacaya Police Provinvial Office o NVPPO ang suspek na si Vicente Yagyaken alyas Lapao, 51-anyos, residente ng Brgy. Pacang, Tocucan, Bontoc, Mt. Province.

Naaresto si Yagyaken sa isinagawang drug buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa na pinangunahan ng Provincial Drug Enforcement Group, Special Operation Unit 2, Regional Drug Enforcement Unit 2, PDEA Nueva Vizcaya at Bagabag Police Station.

Dakong alas-12:30 ng madaling araw sa Junction ng National Highway, Brgy. Tuao North, Bagabag, Nueva Vizcaya.

Narekober mula kay Yagyaken ang isang medium size na plastic sachet ng hinihinalang shabu, 4 na medium size plastic sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na higit kumulang na 25 gramo, mga buy bust money, iba’t ibang uri ng drug paraphernalia.

Ang mga nakumpiskang iligal na droga ay mayroong standard drug price na P195,000.

Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek. Rey Velasco

Previous articleTsina makikipagtulungan sa Pinas sa Belt and Road Initiative, development – envoy
Next articlePagkakasa ng mental health law, therapy session packages itinutulak sa Senado