Home NATIONWIDE P1B jackpot alok sa bagong lottery game ng PCSO

P1B jackpot alok sa bagong lottery game ng PCSO

MANILA, Philippines – Aabot sa P1 bilyon ang jackpot sa bagong lottery game na ilulunsad ng Philippine Charity Sweepstakes Office sa 2024, sinabi ni PCSO GM Mel Robles nitong Miyerkules, Disyembre 20.

“We will pattern it after the Powerball sa US. This is a different jackpot game,” ani Robles sa panayam ng TeleRadyo Serbisyo interview.

Dalawampung porsyento sa prize money ay mapupunta sa tax.

Nauna nang sinabi ng PCSO na ang pagtaas sa minimum jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 at Ultra Lotto 6/58 sa P500 milyon ay bahagi ng ‘Handog Pakabog’ Christmas program ng ahensya.

Matatandaan na isang mananaya mula sa Quezon City ang nanalo ng P311 milyo na jackpot sa 6/49 Super Lotto sa draw nitong Martes ng gabi, Disyembre 19.

“Kagabi lang tumama. The ticket was bought somewhere in Quezon City,” ani Robles.

Kamakailan ay inilunsad ng PCSO ang online lottery system o E-lotto, isang web-based lottery system na bukas sa mga Filipino edad 18-anyos pataas kabilang ang mga nakatira abroad.

Kailangan lamang ng mananaya na magkaroon ng Philippine government-issued ID, Philippine SIM number at e-wallet. RNT/JGC

Previous articleKelot isinelda sa balisong at droga sa Valenzuela
Next articleNo. 7 top most wanted person ng NPD, nabitag sa Malabon