Home NATIONWIDE P1B revolving credit line para sa ‘mass housing’ apub sa Pag-IBIG

P1B revolving credit line para sa ‘mass housing’ apub sa Pag-IBIG

INAPRUBAHAN ng Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund ang P929 million revolving credit line na nakikitang makapagpapalakas sa pagsisikap ng national government na tugunan ang 6.5 million housing backlog sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sinabi ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar na ang pondo ay inilaan para sa Social Housing Finance Corporation (SHFC) na sa kalaunan ay mauuwi para tustusan ang konstruksyon ng 2,264 housing units sa Pampanga, Manila, Misamis Oriental at Davao City.

“This is another solid proof of the administration’s relentless commitment to uplift the lives of the Filipinos through decent yet affordable shelters in sustainable communities,” ayon kay Acuzar.

This credit line will further build up confidence in the Pambansang Pabahay. With reputable financial institutions like Pag-IBIG Fund pouring in funding, we expect others to start actively participating in the program,” dagdag na wika nito.

Si Acuzar, kasalukuyang nagsisilbi bilang Pag-IBIG Fund Board of Trustees chair, ay nagpahayag na ang pag-apruba sa pondo ay “would make the DHSUD better equipped in achieving its goal of providing affordable, decent and environment-friendly housing units to informal settler families (ISFs) and low-income earners.”

Inaasahan naman na gagastusan ng credit line ang konstruksyon ng “medium and high-rise condominiums” na binubuo ng 996 units sa San Fernando City, Pampanga; 352 units sa Tondo, Manila; 416 units sa Tagoloan, Misamis Oriental; at 500 units sa Davao City.

Upang matiyak ang tama at episyenteng paggamit ng pondo, sinabi ni Acuzar na ang “revolving credit line contains safeguards which include the corresponding loan collaterals provided by the SHFC, a maximum payment term of three years and provisions ensuring the release of funds for the intended projects.”

Para naman kay Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene Acosta, sinabi nito na ang pag-apruba sa revolving credit line ay kanilang paraan ng paghahayag ng “full support” para sa mga mahihirap na filipino para makamit ang kanilang pangarap na magkaroon ng sariling bahay.

“Pag-IBIG stands as the single largest source of home financing in the country today, with a share of nearly 40% of the home mortgage market. We recognize our role in providing the financing for socialized housing projects so that these become more accessible and affordable for low-income earners,” ayon kay Acota.

“We are happy to partner with the SHFC so that our ISF communities will now have a better chance of owning quality homes in sustainable communities. Our members can expect more similar partnerships to provide them even more opportunities to own a home,” dagdag na wika nito.

Sa kasalukuyan, mayroong 17 ongoing projects na nasa iba’t ibang stages of development at konstruksyon sa buong bansa sa ilalim ng flagship ng gobyerno na “Pambansang Pabahay.” Kris Jose

Previous articlePagratipika sa Magna Carta of Filipino Seafarers, pinuri ni Sen. Go
Next articleModernisasyon nagpalakas sa BFP