Home NATIONWIDE P1K monthly pension matatanggap na ng senior citizens simula Enero — DSWD

P1K monthly pension matatanggap na ng senior citizens simula Enero — DSWD

MANILA, Philippines – Makatatanggap ang mga mahihirap na Filipino senior citizen ng P1,000 buwanang pensiyon simula ngayong Enero, sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Huwebes, Enero 18.

“Good news po, mula P500 po nitong nakaraang taon, nadoble na po iyan, magiging P1,000 per month,” ani DSWD Undersecretary Edu Punay.

Mahigit 4 na milyong senior citizen ang nakatakdang makinabang sa P50-bilyong pension program.

Gayunpaman, nananatiling problema ang pamamahagi ng pensiyon ayon sa nakatakdang buwan-buwan dahil ang pangangasiwa ng programa ay hindi pa nailipat sa National Commission on Senior Citizens (NCSC).

Ang NCSC ay patuloy na nag-a-update ng database nito upang matiyak ang pamamahagi ng pensiyon sa mga karapat-dapat na senior citizen. Iniinspeksyon din nito ang mga establisyimento upang matiyak na may naaangkop na diskuwento sa mga nakatatanda. Santi Celario

Previous articleDSWD: 4Ps list na kumakalat online, peke!
Next articleTaas-singil sa kuryente nakaamba – ERC