MANILA, Philippines – Kinumpiska ng Philippine Coast Guard (PCG) ang limang balikbayan boxes na naglalaman ng hindi deklaradong sigarilyo.
Tinatayang aabot sa mahigit isang milyon ang sigarilyo na lulan ng MV Filipinas sa Pier 1 Cebu City.
Base sa manipesto, na inisyu ngĀ Cokaliong Shipping Lines, ang balikbayan boxes patungong Cagayan de Oro ay naglalaman ng talong o eggplants.
Sa inventory, narekober ng mga awtoridad ang 10,280 pakete ng undeclared na sigarilyo na may market value na P1,028,000.
Itinurn-over na ng PCG Station Central Cebu ang nakumpiskang sigarilyo saĀ Bureau of Customs (BOC) para sa karagdagan at tamang disposisyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden