Home METRO P1M shabu, marijuana nasabat sa 4 big-time tulak sa Rizal

P1M shabu, marijuana nasabat sa 4 big-time tulak sa Rizal

MANILA, Philippines – Apat na big-time tulak ang naaresto ng mga awtoridad dahil sa mahigit P1 milyong halaga ng marijuana at shabu sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Rizal nitong Martes, Pebrero 13.

Sa ulat nitong Miyerkules, sinabi ng Region 4A police na naaresto ng mga operatiba sa Rodriguez, sina “Kid,” “Junjun,” at “Mayo” bandang 11:05 ng gabi, matapos na mabentahan ng marijuana at kush ang poseur buyer sa Barangay Burgos.

Nakuha ng mga awtoridad sa mga suspek ang anim na bricks na naglalaman ng pinatuyong marijuana, isang plastic sachet na naglalaman ng dried illegal hemp, lahat ay may timbang na limang kilo at 841 gramo na nagkakahalaga ng P700,920.

Nakumpiska rin sa mga ito ang dalawang plastic sachet na naglalaman ng “kush” na may halagang P54,000.

Samantala, sa Antipolo City naman ay naaresto ang suspek na si “Junjie” sa hiwalay na drug bust operation 9:40 ng gabi sa Barangay Dela Paz.

Narekober naman kay Junjie ang pitong sachet ng shabu na tumitimbang ng 50 gramo at nagkakahalaga ng P430,000.

Ang lahat ng suspek ay kabilang sa drug watch list bilang high-value individuals.

Inaalam na ng pulisya kung sino ang source ng marijuana at shabu na ibinibenta ng mga suspek.

Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC

Previous articleGrand global comeback, inanunsyo ng HORI7ON!
Next articleBong Go sa DSWD: Tulong sa mga biktima ng krisis, ‘wag iantala