Bulacan – Arestado ang dalawang indibidwal na tumanggap umano ng P1,055,010 halaga ng imported shabu sa controlled delivery operation ng mga awtoridad sa lungsod ng Baliwag.
Kinilala ang dalawang naarestong claimant na sina Vincent Francis Estrella, 32, residente ng Brgy. Concepcion at Gilbert Gonzales Guinit, 35 ng Brgy. Sabang.
Sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Central Luzon katuwang nila sa operasyon ang Clark Interdiction Task Group, Bureau of Customs- Port of Clark nitong Lunes, Mayo 15 sa Brgy. Comcepcion.
Advertisement