Home HOME BANNER STORY P1M tobats, tsongki nasamsam sa 2 tulak

P1M tobats, tsongki nasamsam sa 2 tulak

444
0

CLAVERIA, CAGAYAN- Mahigit P1 milyon ang kabuuang halaga ng nakumpiskang shabu at mga pinatuyong dahon ng marijuana sa Brgy. D’ Leaño, Claveria, Cagayan.

Nahuli sa nasabing operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region II RSET, PDEA Batanes Provincial Office, Claveria Police Station ang dalawang tinaguriang High Value Targets (HVT) na kinilalang sina Reygine Agcaoili Rangpas, 27 anyos, magsasaka, binata, at residente ng Brgy. San Juan, Sta.Praxedes, Cagayan at Dennis Ramos Brioso, 24 anyos, magsasaka, binata, at residente ng Brgy. San Antonio, Claveria, Cagayan.

Nakumpiska sa nasabing operasyon ang isang piraso ng transparent na plastic bag na naglalaman ng white crystalline substance na umanoy Methamphetamine Hydrochloride o kilala sa tawag na ‘shabu’ na may timbang na humigit kumulang na 60 grams at may estimated market value P408,00.00, isang piraso ng itim na bag na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na nasa brick form, at dalawang piraso na elongated form na hinihinala ring dahon ng marijuana na binalot sa brown packaging tape na may bigat na humigit-kumulang na 6 kilos na may estimated market value na P720,000. Kasama rin sa mga nakumpiska ang isang unit na Motoposh motorcycle na may sidecar, dalawang units ng cellular phone, pera sa iba’t ibang denominasyon, sari-saring dokumento, IDs, at ang buy-bust money.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 in relation sa Section 26 paragraph b (Conspiracy) at 11, Article II ng RA 9165 laban sa dalawang suspek. Rey Velasco

Previous articlePBBM nagtalaga ng bagong PH envoy sa Turkiye, Oman
Next articleAmerican national na wanted sa FBI sa sex crimes, tiklo sa BI!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here