Home METRO P2.1M agarwood nasabat ng DENR

P2.1M agarwood nasabat ng DENR

ILOILO CITY- Nasabat ng forest rangers kamakailan ang highly valued agarwood na nagkakahalaga ng P2.1 milyon  at naaresto ang 10 poachers sa lalawigan ng Aklan.

Sinabi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na halos apat na kilo ng agarwood ang narekober ng forest rangers sa bayan ng Malinao at Nabas noong Enero at noong Disyembre.

Bagama’t legal ang pagpaparami ng agarwod, sinabi ni DENR-6 Regional Director Livino Duran na ang pagputol at pangangalakal ng ganitong uri ng fragrant resinous wood ay limitado.

Ani Duran, kailangang kumuha ng permits bago ito.

Umaabot ang presyo ng agarwood, sangkap para sa mga pabango at insenso, sa halos P750,000 kada kilo. RNT/SA

Previous articleSAR ops inilunsad para sa 2 nawawalang mangingisda sa Batangas
Next articleP34M shabu nakumpiska sa Zambo