Home NATIONWIDE P2.4B jackpot prizes na nasungkit sa 11 lotto games kinuwestiyon sa Senado

P2.4B jackpot prizes na nasungkit sa 11 lotto games kinuwestiyon sa Senado

Kinuwestiyon sa isinagawang pagdinig ng Senado ang pagdaragdag ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO ng P500,000,000 jackpot prizes sa 6/49 at ilang lotto games noong nakaraang Disyembre. Cesar Morales

MANILA, Philippines- Kinuwestiyon ng ilang senador ang “kaduda-dudang” pagkapanalo ng ng ilang bettor sa 11 lotto games na umabot sa tumataginting na P24 bilyong jackpot prizes simula nitong Disyembre 2023.

Sa ginanap na imbestigasyon ng Senate committee on games and amusement, nagpahayag ng lubhang pagkaduda sa “’di pangkaraniwang” pagkapanalo nang sunod-sunod sa loob ng ilang linggo sa lotto na pinamamahalaan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

“In less than one month, 5 laro ang tinamaan. We have to look at this,” ayon kay Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III sa imbestigasyon hinggil sa pinagdudduahang integridad ng lotto games.

“Sabay-sabay. That’s questionable,” tugon naman ni Senador Raffy Tulfo.

Base sa datos ng PCSO, isa lamang ang nagwagi sa P698 million jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 nitong December 17.

Sinundan ito ng 640-million Super Lotto 6/49 jackpot prize noong Disyembre 16 habang P571 million Ultra Lotto 6/58 prize na napagwagian nitong December 29.

Nakopo rin ang P310 million Super Lotto 6/49 jackpot noong Disyembre 19.

Isang ticket holder naman ang nagwagi ng P45.6 milyong jackpot para sa Megalotto 6/45 nitong Enero 24, 2024.

“Without augmentation ito natural accumulation of jackpot from the bets. Ang theory e naka-attract na iyan ng bettors. Months muna bago tamaan eh. So itong nangyari last December is really an anomaly. Hindi lang one game, 5 games!” ayon kay Pimentel.

Hinala naman ni Tulfo na minamanipula ng PCSO ang resulta ng bolahan sa lotto na pawang pinabulaanan ng ahensiya.

“We assure you that we can never manipulate it. Kaya nga allow kami mag-bet. Even I can bet because it’s beyond me,” ayon kay PCSO General Manager Mel Robles.

“Betting on all combinations is a right of everybody, it does not guarantee… assuming somebody bet on all combinations, if you can, it does not guarantee that you will get the jackpot by yourself. Our records show, hindi naman binettan lahat ng combinations nung day na tinamaan,” pahayag ni Robles.

Nakatakdang imbestigahan ito ng Philippine National Police – Cybercrime Investigation and Coordinating Center (PNP-CICC).

“Right now, we don’t have any evidence of fraud,” ayon kay Drexx Laggui ng PNP-CICC.

Nagpalabas naman ng subpoena ang komite sa records ng Bureau of Internal Revenue (BIR) upang malaman kung nagtugma ang bilang ng nagwagi sa halaga ng napanalunan.

Ipagpapatuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang hinalang minamanipula ng pamunuan ang resulta ng lotto dahil sobrang kaduda-duda ang estadistika na may nagwawagi sa lotto kada linggo sa lotto kahit sa ibang bansa. Ernie Reyes

Previous article8 coastal areas sapul ng red tide
Next articlePanukala vs bomb joke incidents sa mga paliparan paiigtingin