Home NATIONWIDE P2.845B investments aprubado para sa buwan ng Marso

P2.845B investments aprubado para sa buwan ng Marso

MANILA, Philippines- Sinabi ng Philippine Economic Zone Authority (Peza) na P2.845 bilyong investments, halos kalahati ng mula sa foreign trips ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang inaprubahan para sa buwan ng Marso.

“Ganoon ho kami ka- bullish ngayon. Kahapon, nagkaroon ho kami ng board meeting and for March, ngayon ko lang po… if you will allow me, I will now share with the media our approval – just yesterday, our board meeting, we added another PhP2.845 billion,” ayon kay Peza Director General Tereso Panga batay sa pahayag na inilabas ng Presidential Communications Office nitong Sabado.

Inihayag din ni Panga na pumalo ang investments sa unang quarter ng 2024 sa P14.951 bilyon, na mas mataas ng 19.25 porsyento kumpara sa P12.537 bilyong nakamit sa parehong panahon noong nakaraang taon.

“If you will sum up our first quarter performance, January to March, already January to March – P14.951 billion in investments,” wika niya.

Base sa Peza, nakapagtala ang bansa ng 25 porsyentong paglago sa investment rate nito noong 2023 – katumbas ng P175.7 bilyon. RNT/SA

Previous articleHalos 300 dayuhang nahuli sa Tarlac scam hub dinala sa Metro Manila
Next article3 klasrum nilamon ng apoy!