Home NATIONWIDE P2.8B matatanggap ng NAIA sa 2024 budget

P2.8B matatanggap ng NAIA sa 2024 budget

MANILA, Philippines- Nasa P2.8 bilyon ang pondong ilalaan sa 2024 para sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at P1.2 bilyon sa nasabing pondo ay para sa pagbili ng bagong traffic management system, ayon kay Makati Rep. Luis Jose Angel Campos Jr.

Ayon kay Campos, layon ng pagbili ng bagong traffic management system na hindi na maulit ang nangyaring breakdown noong Bagong Taon kung saan nasa 282 biyahe ang nakansela at nakaapekto sa may 56,000 pasahero.

“P1.2 billion in the proposed 2024 budget was allocated for the communications, navigation, and surveillance – air traffic management (CNS-ATM) system which seeks to improve the efficiency of the country’s main gateway. We are counting on the new CNS-ATM system to optimize airspace and airport efficiency, reduce flight delays, and improve travel experience,” pahayag ni Campos.

Sa ngayon ay pinag aaralan na ang pagsasapribado ng NAIA kung saan kabilang sa mga grupong nagsabing interesado ay ang Aboitiz InfraCapital Inc., AC Infrastructure Holdings Corp., Asia’s Emerging Dragon Corp., Alliance Global-Infracorp Development Inc., Filinvest Development Corp., JG Summit Infrastructure Holdings Corp at US-based Global Infrastructure Partners (GIP).

Ang NAIA ay nagseserbisyo sa may 40 milyong pasahero kada taon mula sa kapasidad nito na 32 milyon, kung saan kada araw ay nasa 30 hanggang 40 ang landing at takeoffs sa paliparan. Gail Mendoza

Previous articleP1.4B inilaan para sa Manila Bay rehab sa 2024
Next articleRasyonalisasyon ng livelihood programs utos ni PBBM – DBM chief