MANILA, Philippines – MAY kabuuang P20 billion ang inilaan para sa allowances at COVID-19 compensation package para sa mga healthcare workers sa budget para sa fiscal year 2024.
Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos para sa kanyang 2024 budget message na ang nasabing halaga ay inilaan para sa health emergency allowance at COVID-19 compensation package para sa mga eligible at non-eligible healthcare workers.
Idagdag pa, naglaan naman ng P18.0 biliion para sa National Health Workforce Support System na naglalayong “to bolster our healthcare workforce and equip them for deployment in remote and depressed areas to provide promotive and curative services.”
Sa kanyang pangalawang State of the Nation Address (SONA), nangako si Pangulong Marcos na ipalalabas ng gobyerno ang COVID-19 health emergency allowance at iba pang benepisyo na nakalaan sa mga healthcare workers.
Tnuran pa ng Punong Ehekutibo na ang pamahalaan ay “refocusing its health priorities, “applying the lessons learnt from the pandemic and addressing the weaknesses that it has exposed.”
Nauna rito, isinumite naman ni Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang P5.768 trillion proposed budget for 2024.
Makikita na ang nasabing halaga ay 9.5% ang itinaas sa appropriations ngayong taon.
Sinabi pa ng DBM na ang panukalang national budget para sa susunod na taon ay “shall continue to prioritize expenditure items that promote social and economic transformation through infrastructure development, food security, digital transformation, and human capital development.”