Makikita sa larawan si Ruby Cariso, ang instant milyonarya dahil sa Lazada.
MANILA, Philippines – Sa simpleng P2,000 na puhunan lamang isang ginang ang naging instant milyonaryo dahil sa naging sipag at tyaga nito at tulong ng isang on-line selling company.
Nakilala si Ruby Cariso na isa na ngayong ganap na milyonaryang “Mompreneur” sa bansa dahil sa kasipagan at tyaga nito na magtagumpay sa buhay.
“Mahalaga po sa on-line selling is dapat ang tinda natin ay produktong pinaniniwalaan ng tao at magiging kapaki-pakinabang sa mga kliyente natin. Kaya ako po, upang siguradong magtagumpay ay pinili ko ang Lazada,” pahayag ni Ruby.
Dito nabatid ng marami sa isang ginanap ng “Mom-preneur Meet-Up” kamakailan na hindi lang sa Ruby bagkus ay sadyang madami pa umasenso dahil sa pagtitiwala sa Lazada pag dating sa on-line selling.
Sa ngayon, Lazada Philippines ang nangunungang on-line selling company sa bansa na pinagkakatiwalaan ng mga Pinoy dahil na din sa magandang kwalidad ng mga produktong nabibili rito. RNT